KAUGNAYAN SA LARAWAN
Alegorya sa Yungib ni Plato
Salisi, Karla Joi P.
BSCE 3-1
Bahagi
ng akdang binasa |
At ngayon, sinasabi ko na hayaan
mong ipakita ko ang isang anyo na dapat mabatid o hindi mabatid tungkol sa
ating kalikasan: Pagmasdan! May mga taong naninirahan sa yungib na may
lagusan patungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan nito. Sila’y naroroon mula
pagkabata, at ang kanilang mga binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t hindi
sila makagalaw, hadlang ito sa pagkilos pati ng kanilang mga ulo . Sa di
kalayuan, sa taas at likod nila ay may apoy na nagliliyab, sa pagitan
ng apoy at mga bilanggo may daang papataas. Kung ang paningin mo ay dadako sa
mababang pader nito, maihahalintulad ito sa isang tabing na pinagtatanghalan
ng mga puppet.
|
Pinapaksa
sa bahagi na napili sa akdang binasa |
Ito ay maihahalintulad ko sa isip kung saan nandoon ang edukasyon, kapaligiran, pamilya at lipunan. |
Kaugnayan
ng larawan sa napiling bahagi |
Isa
ito sa pwedeng mangyari sa isang tao kung mananatili lamang siyang walang edukasyon, dahil ang edukasyon ay isa sa makakatulong upang tayo ay mag karoon ng puwang sa mundo, upang malaman din natin ang mga dahilan ng mga nangyayari sa mundo at daan ito para makamit natin ang ating mga pangarap. at kung mananatili tayong hindi nakikipag interaksyon sa kapaligiran ay mahihirapan tayong mamuhay sa katotohanan. Kung kaya’t bilang isang tao kailangan nating matutong tumanggap ng pagbabago upang maiwasan ang pagiging walang alam . Dapat ding buksan ang ating mga mata sa tunay na realidad ng buhay at wag tayong mananatiling walang alam. |
No comments:
Post a Comment