Saturday, 9 April 2022

 

Pamanatayan sa Pagmamarka - Sanaysay


Salisi, Karla Joi P. 

BSCE3-1 

Pagbabalangkas at Sanaysay 

Paksa: Kabataan 

BALANGKAS 

    I. Pag-asa pa ba ang kabataan para sa ating bansa. A. Naniniwala ako na ang bawat kabataan ay pag-asa ng ating bayan. 1. Malaki ang papel ng kabataan sa magandang pagbabago hindi lamang ng isang lugar maging pati sa buong mundo. 2. Ang mga kabataan ang siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa isang bansa. 3. Mayroon pa ring kabataan na siyang may lakas ng loob na ipaglaban ang bawat karapatan nila. 4. Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan dahil sila ang handang magbago ng mga maling nakikita sa ating lipunan. 

    II. Paano mo masasabing pag-asa pa ang kabataan sa iba't ibang hadlang sa kanilang pagpapaunlad sa kanilang kaisipan kilos at gawi. A. May mga kabataan na patuloy lumalaban sa gitna ng kahirapan. B. May mga kabataang patuloy na kumikilos ang gumagawa ng paraan upang tuparin ang kanilang mga pangarap. C. May mga kabataan pa rin na matatag at may sariling prinsipyo sa buhay. 

SANAYSAY 

    Pag-asa pa ba ang kabataan para sa ating bansa? Kung ating susuriin, malaki ang pagkakaiba ng mga kabataan noon sa ngayon, lalong- lalo na kung ito'y patungkol sa kaugalian nila gayunpaman, patuloy pa rin akong naniniwala sa napaka-tanyag na katagang binitawan ng ating pambansang bayani na si Doktor Jose Rizal na, "Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan" dahil, ang mga kabataan ang may kakayahan na ipagtanggol ang bawat mamamayan ng ating bansa at sila may lakas na loob na ipaglaban ang ating mga karapatan. Ang bawat kabataan ay siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating bansa. 

Paano mo masasabing pag-asa pa ang kabataan sa iba't ibang hadlang sa kanilang pagpapaunlad sa kanilang kaisipan kilos at gawi? 

    Sa henerasyon na ito, masasabi ko na ang kabataan ay pag-asa ng bayan. Maraming kabataan ang patuloy na lumalaban sa hirap ng buhay upang makamit nila ang kanilang mga pangarap. Sa susunod na henerasyon, sila ang papalit sa mga namumuno sa ating bansa at handa silang magbago ng mga maling nakikita sa lipunan ngayon upang mapaunlad ang ating bansa Sa pamamagitan ng wasto at maayos pamamalakad at seryosong pagtupad ng kanilang tungkulin o responsibilidad sa lipunan ay magagawa nilang mapaunlad ang ating bansa.

No comments:

Post a Comment

  Tekstong Prosijural