Tekstong Impormatibo
Salisi, Karla Joi P.
BSCE3-1
TEKSTONG IMPORMATIBO
1. Depinisyon ng neogalismo
A neologismo ito ay isang salita, salita, term o expression na ipinakilala o nilikha sa
isang tiyak na wika. Ipinanganak ang mga ito mula sa pangangailangan upang ipahayag
ang isang bagong konsepto ng katotohanan, tulad ng "bitcoin", "pag-click", "selfie" o
"emoji".
1.1. Kolokyal
Ayon kay keithycat (2020), ang mga salitang kolokyal ay mga pag-iiksi ng mga
salita o grupo ng mga salita. Ito rin ay mga impormal na salita na ginagamit natin sa
pang araw-araw. Ang mga salitang ito ay may konting kagaspangan at minsan medyo
may pagkabulgar. Bagama’t may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang
nagsasabi .
1.2. Balbal
Ayon din kay keithycat (2020), ang salitang pabalbal o balbal ay katulad ring ng
kolokyal na di pormal. Ngunit, ito ay tinatawag nating “slang” sa Ingles. Ito ay mga bagong
salitang nabuo sa pamamagitan ng pag sama-sama ng iba’t-ibang salitang Filipino o
salitang banyaga. Kadalasan, sinasabi na ang salitang balbal ay “salitang kalye” at
tinuturing pinakamababang antas ng ating wika.
2. Dahilan ng neogalismo sa pormal na edukasyon.
Pormal na edukasyon, Ito ay isang konsepto na ginagamit upang tukuyin ang
buong proseso ng pagsasanay at pag-aaral na binigay ng mga opisyal na institusyong
pang-edukasyon ng isang lipunan.
Sa unang araw ng Sawikaan, tinalakay ni Zeus Salazar, isang historyador, ang
neolohismo o pagbuo ng bagong salita at pati na rin ang paghiram sa ibang mga wika.
Sinabi niya na ang pagpapayaman ng wika ay napapaloob sa pagkakahating
pangkalinangan o mga balakid, tulad ng pamamayani ng Ingles at ng mga Inglesero sa
bansa at ang “pakikipagpatintero” ng mga intelektuwal na Filipino sa Estados Unidos.
Dagdag pa rito, ang neolohismo, ayon kay Salazar, ay nahahati sa pormal o paguugnayan ng salitang Filipino, at di-pormal, kung saan ito ay nagiging popular at hindi
na nakokontrol. “Bagaman hindi talaga nalilimitahan ang pagyaman at paglawak ng wika
dahil parang isang namumuhay na organismo ito na lumalago alinsabay sa paglago at
pag-unlad ng isang lipunan at kalinangan, ay mga tao, grupo, at institusyon na
nagtatangkang itakda ang hangganan nito,” ani Salazar.
3. Implikasyon ng neologismo sa pormal na edukasyon.
karamihan ng mga mag-aaral ay nagsasabi na lubos na nakakatulong ang salitang neolohismo
sa pagtuturo at pagkatuto. Samantala, ang iba namang mag-aaral ay nagsasabi na hindi sila
pabor sa paggamit ng salitang neolohismo sa kadahilanang hindi sila pamilyar sa mga salitang
ito at para sa kanila ay hindi kaaya-aya ang pagamit ng salitang neolohismo. Sa kabuuan ng
pananaliksik, marami ang sang-ayon na may kaugnayan sa akademikong pag-ganap ng mga
mag-aaral ang neolohismo.
Mga pinagmulan/ Sanggunian:
Kahulugan ng neologism. (2018). (N / A): Mga Kahulugan. Narekober mula sa: Neologism:
konsepto, uri at halimbawa - Agham - 2022 (warbletoncouncil.org)
Keithycat (2020, November 5). Ano Ang Mga Salitang Kolokyal At Halimbawa Ng Mga Ito.
Halimbawa Ng Kolokyal: Kahulugan At Mga Halimbawa (philnews.ph)
Keithycat (2020, November 5). Ano Ang Pagkakaiba Ng Salitang Balbal At Kolokyal? (Sagot).
Pagkakaiba Ng Balbal At Kolokyal – Halimbawa At Kahulugan (philnews.ph)
Aagar, Igor (2014). Mula Pormal hanggang Hindi Pormal: Edukasyon, Pag-aaral at Kaalaman.
Polona Kelava. Pormal na edukasyon: konsepto, katangian at halimbawa - Agham - 2022
(warbletoncouncil.org)
Tomas U. Santos (2010, August 31). ‘Jejemon’ salita ng taon. ‘Jejemon’ salita ng taon | The
Varsitarian
Kahulugan ng neologism. (2018). (N / A): Mga Kahulugan. Narekober mula sa: Neologism:
konsepto, uri at halimbawa - Agham - 2022 (warbletoncouncil.org)
Caron, J. D., & Belgica, R. (n.d.). Epekto ng Neolohismo Sa Akademikong PAGGANAP.
Ascendens Asia Journal of Multidisciplinary Research Abstracts. Published January 18, 2019,
Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/AAJMRA/article/view/9747
Kahulugan ng neologism (Ano Ito, Konsepto at kahulugan) - MGA expression - 2022.
Encyclopedia Titanica. (1970, January 1). Retrieved March 27, 2022, from https://tl.encyclopediatitanica.com/significado-de-neologismo
No comments:
Post a Comment