Saturday, 9 April 2022

 

Tekstong Prosijural




 

Tekstong Impormatibo


Salisi, Karla Joi P. 
BSCE3-1 

TEKSTONG IMPORMATIBO 

1. Depinisyon ng neogalismo 

    A neologismo ito ay isang salita, salita, term o expression na ipinakilala o nilikha sa isang tiyak na wika. Ipinanganak ang mga ito mula sa pangangailangan upang ipahayag ang isang bagong konsepto ng katotohanan, tulad ng "bitcoin", "pag-click", "selfie" o "emoji". 

1.1. Kolokyal 

    Ayon kay keithycat (2020), ang mga salitang kolokyal ay mga pag-iiksi ng mga salita o grupo ng mga salita. Ito rin ay mga impormal na salita na ginagamit natin sa pang araw-araw. Ang mga salitang ito ay may konting kagaspangan at minsan medyo may pagkabulgar. Bagama’t may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasabi . 

1.2. Balbal 

    Ayon din kay keithycat (2020), ang salitang pabalbal o balbal ay katulad ring ng kolokyal na di pormal. Ngunit, ito ay tinatawag nating “slang” sa Ingles. Ito ay mga bagong salitang nabuo sa pamamagitan ng pag sama-sama ng iba’t-ibang salitang Filipino o salitang banyaga. Kadalasan, sinasabi na ang salitang balbal ay “salitang kalye” at tinuturing pinakamababang antas ng ating wika. 

2. Dahilan ng neogalismo sa pormal na edukasyon. 

    Pormal na edukasyon, Ito ay isang konsepto na ginagamit upang tukuyin ang buong proseso ng pagsasanay at pag-aaral na binigay ng mga opisyal na institusyong pang-edukasyon ng isang lipunan. 

    Sa unang araw ng Sawikaan, tinalakay ni Zeus Salazar, isang historyador, ang neolohismo o pagbuo ng bagong salita at pati na rin ang paghiram sa ibang mga wika. Sinabi niya na ang pagpapayaman ng wika ay napapaloob sa pagkakahating pangkalinangan o mga balakid, tulad ng pamamayani ng Ingles at ng mga Inglesero sa bansa at ang “pakikipagpatintero” ng mga intelektuwal na Filipino sa Estados Unidos. 

    Dagdag pa rito, ang neolohismo, ayon kay Salazar, ay nahahati sa pormal o paguugnayan ng salitang Filipino, at di-pormal, kung saan ito ay nagiging popular at hindi na nakokontrol. “Bagaman hindi talaga nalilimitahan ang pagyaman at paglawak ng wika dahil parang isang namumuhay na organismo ito na lumalago alinsabay sa paglago at pag-unlad ng isang lipunan at kalinangan, ay mga tao, grupo, at institusyon na nagtatangkang itakda ang hangganan nito,” ani Salazar. 

3. Implikasyon ng neologismo sa pormal na edukasyon. 

    karamihan ng mga mag-aaral ay nagsasabi na lubos na nakakatulong ang salitang neolohismo sa pagtuturo at pagkatuto. Samantala, ang iba namang mag-aaral ay nagsasabi na hindi sila pabor sa paggamit ng salitang neolohismo sa kadahilanang hindi sila pamilyar sa mga salitang ito at para sa kanila ay hindi kaaya-aya ang pagamit ng salitang neolohismo. Sa kabuuan ng pananaliksik, marami ang sang-ayon na may kaugnayan sa akademikong pag-ganap ng mga mag-aaral ang neolohismo. 


Mga pinagmulan/ Sanggunian: 

Kahulugan ng neologism. (2018). (N / A): Mga Kahulugan. Narekober mula sa: Neologism: konsepto, uri at halimbawa - Agham - 2022 (warbletoncouncil.org) 

Keithycat (2020, November 5). Ano Ang Mga Salitang Kolokyal At Halimbawa Ng Mga Ito. Halimbawa Ng Kolokyal: Kahulugan At Mga Halimbawa (philnews.ph) 

Keithycat (2020, November 5). Ano Ang Pagkakaiba Ng Salitang Balbal At Kolokyal? (Sagot). Pagkakaiba Ng Balbal At Kolokyal – Halimbawa At Kahulugan (philnews.ph) 

Aagar, Igor (2014). Mula Pormal hanggang Hindi Pormal: Edukasyon, Pag-aaral at Kaalaman. Polona Kelava. Pormal na edukasyon: konsepto, katangian at halimbawa - Agham - 2022 (warbletoncouncil.org) 

Tomas U. Santos (2010, August 31). ‘Jejemon’ salita ng taon. ‘Jejemon’ salita ng taon | The Varsitarian 

Kahulugan ng neologism. (2018). (N / A): Mga Kahulugan. Narekober mula sa: Neologism: konsepto, uri at halimbawa - Agham - 2022 (warbletoncouncil.org) 

Caron, J. D., & Belgica, R. (n.d.). Epekto ng Neolohismo Sa Akademikong PAGGANAP. Ascendens Asia Journal of Multidisciplinary Research Abstracts. Published January 18, 2019, Retrieved from https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/AAJMRA/article/view/9747 

Kahulugan ng neologism (Ano Ito, Konsepto at kahulugan) - MGA expression - 2022. Encyclopedia Titanica. (1970, January 1). Retrieved March 27, 2022, from https://tl.encyclopediatitanica.com/significado-de-neologismo

 

Istruktura para sa Sulatin


Salisi, Karla Joi P. 
BSCE3-1 

Balangkas tungkol sa Wika 

1. Depinisyon ng Wika 
    
    Instrumento sa pakikipagtalastasan iebalweyt, baguhin, ayusin, kontrolin at paunlarin (Tauli). Naibabahagi ang ideya, saloobin at nais gawin. 

        1.1. Neolohismo 
    
    A neologismo ito ay isang salita, salita, term o expression na ipinakilala o nilikha sa isang tiyak na wika. Ipinanganak ang mga ito mula sa pangangailangan upang ipahayag ang isang bagong konsepto ng katotohanan, tulad ng "bitcoin", "pag-click", "selfie" o "emoji". 

        1.2. Kolokyal 
    
    Ang mga salitang kolokyal ay mga pag-iiksi ng mga salita o grupo ng mga salita. Ito rin ay mga impormal na salita na ginagamit natin sa pang araw-araw. Ang mga salitang ito ay may konting kagaspangan at minsan medyo may pagkabulgar. Bagama’t may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasabi . 

        1.3. Balbal 
    
    Ang salitang pabalbal o balbal ay katulad ring ng kolokyal na di pormal. Ngunit, ito ay tinatawag nating “slang” sa Ingles. Ito ay mga bagong salitang nabuo sa pamamagitan ng pag sama-sama ng iba’t-ibang salitang Filipino o salitang banyaga. Kadalasan, sinasabi na ang salitang balbal ay “salitang kalye” at tinuturing pinakamababang antas ng ating wika. 

2. Sanhi at Bunga ng di pormal na wika o salita sa mga mag aaral

                                                -------


Tekstong Argumentatibo


Salisi, Karla Joi P. 

BSCE3-1

 Argumento: Sang-ayon ka ba sa pananakop ng Russia sa Ukraine? 

    Ako ay sasang-ayon kung ang dahilan ng pananakop ng presidente ng Russia ay mapaayos at mapaunlad ang bansang Ukraine. Dahil base sa aking pag hahanap ng impormasyon ay kaya nag bigay ng warning ang Russia ay sa kadahilanang plano ng Ukraine na sumali sa organisasyong NATO kung saan ito ay hindi gusto ng bansang Russia para sa Ukraine. Ako ay sasang-ayon din kung ang dahilan ng pananakop ng presidente ng russia ay mapaayos at mapaunlad ang bansang Ukraine katulad na lamang ng nangyari noon sa pananakop ng mga espanyol, amerikano, at mga hapon sa bansang Pilipinas, ang mga bansang ito ay may magandang naidulot pa rin sa ating bansa katulad na lamang ng pagkakaroon ng pormal na sistema ng edukasyon ang bawat Pilipino at ito'y naging daan upang madagdagan ang ating kaalaman pagdating sa siyentipiko at iba pang agham. Nagkaroon tayo ng gabay sa pagiging mabuting tao sa pamamagitan ng mga turo sa ating mga simbahan. Nagkaroon ng mas malalim na kaugalian ang mga Pilipino gaya ng paggalang sa nakakatanda at maging ang paggamit ng "po" at "opo". Nagkaroon din tayo ng programang pangkabuhayan kaya't noon ay maraming taniman ng tabacco. Pagdating naman sa wika, nadagdadagan ang wikang ginagamit sa pang-araw-araw noong tayo ay sinakop ng mga espanyol. Nakapagtayo ng iba't-ibang imprastraktura ang mga Espanyol katulad ng paaralan, simabahan, tulay at marami pang iba. Nagkaroon din ng matatag at maayos na gobyerno at Nakapagtayo ng iba't-ibang imprastraktura ang mga Espanyol katulad ng paaralan, simabahan, tulay at marami pang iba. Sa bawat pamumuno ng nasabing lahi ay nag-iwan ito ng mga ambag sa ating kasaysayan at kultura. Sa kasalukuyan, dala-dala natin ang kanilang mga ambag na kung saan nakakatulong sa pag-unlad ng ating bansa.

Ano ang epekto ng digmaan sa mundo ng engineering? 

    Sa aking palagay ang epekto ng digmaan sa mundo ng engineering ay mag kakaroon ng posibilidad na pag bagsak ng ekonomiya, kase kung mangyari man yon bagsak ang ekonomiya dahil sa pagkasira ng ari-arian at dahil don ay mahihirapan ang mg inhinyero na kumilos o gumawa ulet ng mga panibagong gusali o establishments. At dahil dito ay mahihirapan sila kumita ng per ana magagamit nila sa pang araw araw.

 

Pamanatayan sa Pagmamarka - Sanaysay


Salisi, Karla Joi P. 

BSCE3-1 

Pagbabalangkas at Sanaysay 

Paksa: Kabataan 

BALANGKAS 

    I. Pag-asa pa ba ang kabataan para sa ating bansa. A. Naniniwala ako na ang bawat kabataan ay pag-asa ng ating bayan. 1. Malaki ang papel ng kabataan sa magandang pagbabago hindi lamang ng isang lugar maging pati sa buong mundo. 2. Ang mga kabataan ang siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa isang bansa. 3. Mayroon pa ring kabataan na siyang may lakas ng loob na ipaglaban ang bawat karapatan nila. 4. Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan dahil sila ang handang magbago ng mga maling nakikita sa ating lipunan. 

    II. Paano mo masasabing pag-asa pa ang kabataan sa iba't ibang hadlang sa kanilang pagpapaunlad sa kanilang kaisipan kilos at gawi. A. May mga kabataan na patuloy lumalaban sa gitna ng kahirapan. B. May mga kabataang patuloy na kumikilos ang gumagawa ng paraan upang tuparin ang kanilang mga pangarap. C. May mga kabataan pa rin na matatag at may sariling prinsipyo sa buhay. 

SANAYSAY 

    Pag-asa pa ba ang kabataan para sa ating bansa? Kung ating susuriin, malaki ang pagkakaiba ng mga kabataan noon sa ngayon, lalong- lalo na kung ito'y patungkol sa kaugalian nila gayunpaman, patuloy pa rin akong naniniwala sa napaka-tanyag na katagang binitawan ng ating pambansang bayani na si Doktor Jose Rizal na, "Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan" dahil, ang mga kabataan ang may kakayahan na ipagtanggol ang bawat mamamayan ng ating bansa at sila may lakas na loob na ipaglaban ang ating mga karapatan. Ang bawat kabataan ay siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating bansa. 

Paano mo masasabing pag-asa pa ang kabataan sa iba't ibang hadlang sa kanilang pagpapaunlad sa kanilang kaisipan kilos at gawi? 

    Sa henerasyon na ito, masasabi ko na ang kabataan ay pag-asa ng bayan. Maraming kabataan ang patuloy na lumalaban sa hirap ng buhay upang makamit nila ang kanilang mga pangarap. Sa susunod na henerasyon, sila ang papalit sa mga namumuno sa ating bansa at handa silang magbago ng mga maling nakikita sa lipunan ngayon upang mapaunlad ang ating bansa Sa pamamagitan ng wasto at maayos pamamalakad at seryosong pagtupad ng kanilang tungkulin o responsibilidad sa lipunan ay magagawa nilang mapaunlad ang ating bansa.

 

Tula tungkol sa Pulitika


SALISI, KARLA JOI P. 

BSCE 3-1 


Paksa: Pulitika 


Kung ang pulitika ay pag-uusapan 

Mga katanungan ay nasa isipan 

Ano ba ang mga tunay na dahilan 

Ikaw ba'y kakampi o isang kalaban 

Animo'y buwaya na handang lumapa 

Kayamanan at posisyon ay sugapa 

Gintong upuan ay pinag-aagawan 

Mga kandidato'y nagpapaligsahan 

Isang presidenteng may kamay na bakal 

Ang naluklok sa bansa kong minamahal 

Misyon n'ya'y puksain ang krimen at droga 

Ngunit mga inosente'y nadamay pa

 

KAUGNAYAN SA LARAWAN

Alegorya sa Yungib ni Plato



Salisi, Karla Joi P.

BSCE 3-1

Bahagi ng akdang binasa

At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang isang anyo na dapat mabatid 
o hindi mabatid tungkol sa ating kalikasan: Pagmasdan! May mga taong 
naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na umaabot 
sa kabuuan nito. Sila’y naroroon mula pagkabata, at ang kanilang mga 
binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t hindi sila makagalaw, 
hadlang ito sa pagkilos pati ng kanilang mga ulo . 
Sa di kalayuan, sa taas at likod nila ay may apoy na nagliliyab, 
 sa pagitan ng apoy at mga bilanggo may daang papataas. 
Kung ang paningin mo ay dadako sa mababang pader nito, 
maihahalintulad ito sa isang tabing na pinagtatanghalan ng mga puppet.

 

Pinapaksa sa bahagi na napili sa akdang binasa

Ito ay maihahalintulad ko sa isip kung saan nandoon ang edukasyon, kapaligiran, 

 pamilya at lipunan.

Kaugnayan ng larawan sa napiling bahagi

Isa ito sa pwedeng mangyari sa isang tao kung mananatili lamang siyang
walang edukasyon, dahil ang edukasyon ay isa sa makakatulong upang tayo
ay mag karoon ng puwang sa mundo, upang malaman din natin
ang mga dahilan ng mga nangyayari sa mundo at daan ito para
makamit natin ang ating mga pangarap. at kung mananatili tayong 
hindi nakikipag interaksyon sa kapaligiran ay mahihirapan tayong
mamuhay sa katotohanan. Kung kaya’t bilang isang tao kailangan
nating matutong tumanggap ng pagbabago upang maiwasan
ang pagiging walang alam . Dapat ding buksan ang ating mga
mata sa tunay na realidad ng buhay at wag tayong mananatiling walang alam.

  Tekstong Prosijural